NDCP Hymn

NDCP Hymn

written by
Mr Romeo L. Pena

 

Pandayan ng puso, isip at diwa
Dalubhasaang pambansa
Sa pagtatanggol ng baya’t bandila
May patnubay ni Bathala

Ang katatagan ang tanging lunas
Sa katiwasayan ng Pilipinas
Ginigising mo ang kaisahang lakas
At pag-ibig sa bayang wagas

Kulturang sarili ay mababakas
Na tayo ay maharlikang likas
Ang kahirapan ng kahapo’y nagwakas
Sa masaganang bukas

Ang pinakadakilang tutunin mo
Na tumimo sa puso ko
Sa layang natamo
Ilaan ang buhay ko

Ang layang natamo
Dapat lang na ipagtanggol ko